Tuesday, November 27, 2012
Pondering Thoughts: An Ode To My Love
*** PAG-IBIG, KAILANGAN KO’Y IKAW ***
Ang mga pagmamahal mo sa akin
Tulad ng sabi mo ay isang piging
Mga pasakit at mga paghihirap
Ay tuluyan kong binigyan ng irap.
Magkasama saanman magpunta
Nagmamahalan na parang iba
Sa mga suliranin mo sa mundo
Ay sa akin ka pa napatayo.
Bakit ba ganito ka sa akin?
Ano ba ang kaugnayan natin?
Ah! Magkaibigan pala tayo
Tulad ng mga sinasabi ko.
Sa tuwing tayo ay magkikita
Tampulan tayo ng biro at tuwa
At dahil sa iyong kilos, gawa
At salita ay naibig na kita.
Sa pagdaraan ng mga ilang araw
Namalas kong ikaw ay namanglaw
Tinanong kita at ang sabi mo
Iniibig mo pala ako.
Ngunit ito ay di ko pinansin
Hindi ko rin binibigyan ng diin
Marami pang araw ang lumipas
Di na kita nakitang lumabas.
Maging makasarili’y ginawa
Ngunit puso’y di mawatasan
Sa pag-iisa ko ay kasama
Ang mga ala-alang nakaraan.
Pinilit kong ika’y kalimutan
Ngunit hindi ko mapag-aralan
Minsan pa ikaw ay hinahanap
Tanging lumipas ang nalalanghap.
Kaibigan, mahal pala kita
Ngunit ito ay laging huli na
Ang nasasambit ko sa tuwina
Pag-ibig, kailangan koy ikaw!
Labels:
5 - The LIST,
8 - Etcetera,
Crazy Things To Do,
Etcetera,
love,
poem,
Pondering Thoughts,
The LIST
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment